February 19, 2006
day off! day off! day off!
teehee. sabi ko nga. exciting. excited na ako mag day off. its the season to be jolly nanaman. kahit 1 day off lang carry na. tutal wala rin lang si geebee. wala akong kukulitin. magpapaka-comatose na lang ako buong sunday maghapon magdamag. sleep lang. sleep lang ng sleep. haayyy. exciting. excited na akong matulog. imagine.
teehee. di bale. next weekend eh 2 day off naman. saturday-sunday. san ka pa? mag faint ka na. super happy dahil makakasama ko si geebee for 48 hours na walang iniisip na trabaho. na kesyo kelangan kong maka 6 hours sleep para inde windang pagpasok sa trabaho. na kesyo ngawit na katawan ko’t gusto nang mahiga na lang. na kesyo mahapdi na ang mga mata ko sa katititig sa monitor ng sampung oras. haayyy. nakakaiyak. naiiyak ako sa tuwa.
teehee. 1 month. 4 weeks. ganyan katagal akong nagtrabaho ng iisang araw lang ang day off. dahil yung isa ay sinakripisyo ko. pumapasok ako kahit day off. isa akong martyr sa trabaho. in short, sira ulo. pero ganyan talaga. kelangan may effort. dahil kung walang effort eh walang kwenta. baka mauwi lang sa corny na ending ang buhay-trabaho mo. period.
teehee. so feeling mo gustong gusto ko na ang trabaho ko. feeling mo lang yun. dahil nagkakamali ka kung iniisip mong tanggap ko nang nag aral ako ng halos 5 taon kung paano gumawa ng kahindik-hindik na pelikula o magsulat ng makabagbag damdaming kwento o mag-imbento ng kahalagahan ng paggamit ng toilet paper at hahaluan ng magandang saliw hango sa lito camo’s greatest hits para bumenta….para lamang magturo sa mga engot sa paggamit ng internet gaya ng kung papaano mag right click sa mouse nila. bangungot. pero unti-unti ko na rin itong isinasalin sa sistema ko. wlaa naman sigurong masama kung biglang umangat ang posisyon ko at mag desisyon akong eto na, this is it, I HAVE FULFILLED MY CAREER PATH! bow.
teehee. simple lang naman ang dahilan at nilalaman ng post na ito. inde na ako mapakali. day off ko. 5 araw pa at 2-day off na. isa pa, simula na ang flower festival sa weekend na yun. madami nanamang gagalaan. halos kiligin ako sa tuwa. sana wag akong mag faint.
makakain nga ng ice cream mamya ng maibsan ang matindi kong pagnanasa sa 2-day off na yan.
pakshet wala kasi si geebee kaya ice cream na lang.
haha! wag mag-isip ng masama, magagalit si lola.
leche. napaka nonsense na ng post na ito.
masaya lang talaga ako. ibang level ako kung sumasaya. napapasulat ako sa sariling wika.
teehee.







