Home » Post Item » tanong ko lang

tanong ko lang

December 14, 2005

minsan talaga ang buhay parang pelikula. parang tagalog pocketbook na pinaparentahan ng P10 sa 3 tatlong araw. parang mahabang sulat kay ate charo. parang makabagbag damdaming drama sa radyo. parang panaginip.

bakit kung minsan may mga pangyayari sa buhay na bigla na lang umeeksena? bakit kung kelan akala mo alam mo na ang gusto mo, sigurado ka na sa nararamdaman mo, planado na ang buhay mo ay bigla ka na lang natitisod, nadadapa at nawawalan ng ala-ala?

may mga bagay na sadyang hindi sinasadya. o kaya pwede ring alam mo na ang kakalabasan pero nagbubulag-bulagan ka lang. kahit na alam mong pwedeng magbago ang takbo ng buhay mo sa isang iglap ay pinabayaan mong lamunin ka ng nararamdaman mo at kalimutang may nakalaan na dahil lang sa nagpadala ka sa bugso ng damdamin.

napakaraming tanong.

gulong-gulong utak.

malabo.

ano ba talaga?

Posted by happysarah at 11:34 pm | permalink

Previous Comments

u luk mistirious, but it got me…………bvy the way im jaypee………nice to read u!!!!!!!!!!!!
heheh!!!!!!

Posted by jaypee at March 29, 2006, 1:16 pm

way klaroo oi!nice to read u nnyong duha…(^_^)

Posted by MaRz at June 1, 2008, 5:19 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment