senti-sentihan mode
November 23, 2005napagtanto ko, matagal-tagal na rin pala akong hindi gumagamit ng tagalog sa blog ko. napadaan kasi ako sa friendster blog ng long-lost childhood prend ko at nabighani akong gumamit muli ng tagalog. kaya eto. wala lang. gah.
sa mga oras na to, iisa lang ang nararamdaman ko: HAGGARD. ano ba tagalog ng haggard? hindi ko alam kaya ingles na lang. haggard na ako. nandito pa rin ako at nagpapaka-alila sa tabaho, nakikipagsapalaran sa mundo ng mga engot sa paggamit ng kompyuter at internet. ack.
isa pa, PRESSURED ako ngayon. muli, hindi ko alam ang tagalog ng pressured kaya ingles na lang. eto lang ha, kasalanan ko ba na para sa mga kostumer eh saksakan ng pasaway ang serbisyong binibigay ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko kaya tuwing may survey na natatanggap ang kostumer eh kahit pa 10 ang rating sakin at bagsak ang rating ng kostumer sa kumpanya eh bagsak pa rin ang over-all rating ko at sa kasamaang-palad eh apektado agad ng nag-iisang lecheng survey ang stats ko (kung bakit kasi ihinalo pa sa survey ang tanong patungkol kung are you satisfied with the services of B**S**** eh ang isyu naman eh kung masaya ba ang kostumer sa pagtulong mo sa kanilang pumindot ng right-click sa mouse o sa pagturo mo kung paano buksan ang email nila.)
leche.
nagyon, pakiramdam ko isa na rin akong engot dahil sa namumula kong stats. at ngayon pressured to the maxxxx na akong magkaroon ng panalong survey para naman mabawi-bawi ko ang kahihiyan ko. aaminin ko, may mga pagkukulang rin ako sa trabaho sa nakalipas ng mga linggo. ako’y naging tamad, pabaya at deMOTIVATED. ingles ulit yan dahil hindi ko alam ang tagalog. kumbaga, hindi na ako ENTHUSIASTIC sa ginagawa ko. hindi ko alam ang tagalog ng enthusiastic kaya wag mo ng tanungin. maraming dahilan. sari-sari. magulo. minsan parang palusot lang sa pandinig pero totoo.
una, 6 na buwan na ako sa trabaho at pakiramdam ko IT’S TOO MUCH. pero sorry ako, dahil hindi lang ako ang umabot na ng 6 months kaya malamang hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito ngayon kaya malamang lamang din ay isa lamang itong palusot. period.
pangalawa, pagod na ako. at syempere kokontra mga kasama ko sa trabaho dahil sa kasawiang palad, lahat kami ay pagod na. kaya palusot lang uli ito. syet.
pangatlo, may sakit nanay ko ngayon. okay naman sya, pero syempre UNDER MEDICATION pa rin. hindi ko alam ang tagalog nyan. minsan syempre, nawawala ako sa FOCUS. at kapag nangyari yun, nawawala ako sa sarili. natatameme sa kostumer. hindi na ito palusot. nanay ko nag pinag-uusapan dito.
marami. iba-iba. magulo. mga dahilan kung bakit sa trabaho ay may puntong nasasabi mong ayaw mo na, sawa ka na, tama na, GIVE UP kana.
siguro nga dahil hindi lang talaga ako masaya sa ginagawa ko. nandito ako dahil kailangan ko ng trabaho. nandito ako dahil eto na ang may pinakamataas sa sweldo (second sa mga pulitiko syempre) dito sa baguio city. nandito ako dahil trabaho ito at marami ang wala nito sa pilipinas.
sabi nga ng tatay ko, tiis-tiis lang muna ako. yun lang, yung PROMSE nya na gagawan nya ng paraan na makaalis ako ng pinas sa susunod na taon para magtrabaho para sa kumpanya nila sa mabuhanging bansa ng mga camel at makakapal na gintong kwintas ang isa sa mga makatwirang dahilan kung bakit ako nagpapaka-buwang dito.
isa pa, THIS IS NOT MY CALLING. NO. NOT ONCE. NOT EVER. NOT IN MY LIFETIME. ayan, napa-ingles tuloy ako. paumanhin, dala lang yan ng bugso ng aking damdamin.
iba ang pangarap ko. maging isang NOVELIST, INVESTIGATIVE JOURNALIST, WEDDING PLANNER, ARCHAEOLOGIST. puro ingles lang ulit yan. walang kokontra. libre mangarap, ay CORRECTION, libre magkaroon ng plano sa buhay.
saan ba makakabili ng wishing star? papabili ako sa tatay ko.
I WISH…I WISH…I WISH…THAT I WAS A BUTTERFLY…
hahaha! praning na ako. basta, matatapos rin ang pagkukunyari. lahat may hangganan.
balang araw magigising ako at sasambitin ang mga katagang, “excited na ako pumasok sa trabaho!”
sana malapit na ang balang araw na yun. hindi ko naman hihilingin na sana bukas na o NEXT WEEK o NEXT MONTH. basta sana malapit na, bago pa ako masiraan ng ulo.
salamat na lang sa nag-iisang taong kumukurot sa mga bilbil ko at nagpapangiti sa akin tuwing hapong-hapo na ako at ayoko nang magising. salamat sa kanya at kahit katiting ay naiilawan pa rin ako ng katiting na pag-asa.
habang may buhay…habang may buhay…
aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!
Previous Comments
nge…eh na-photoshop po kaseh…para naman may kakaibang effect…^_^ ummm…nasagot ko ba tanong mo?!
Posted by happysarah at March 17, 2006, 12:48 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








bkt magulo ung pic mu???
Posted by mark at March 14, 2006, 11:47 am