Home » Post Item » sarah to earth, earth to sarah (tototototototototot)

sarah to earth, earth to sarah (tototototototototot)

October 8, 2005

busog nanaman ako. grabe. 
isang rice meal.
isang pack ng buttered popcorn.
isang ham and cheese sandwich.
isang apple juice.
isang boteng flavored water.
dalawang boy bawang.
dalawang choco mallows.
sampung chocolate coated cookies.

p.s. nalamon ko lahat yan in a span of five hours. para akong patay-gutom kung
ngumasab. parang mauubusan. parang bibitayin na kinabukasan.

kung tutuusin, naisulat ko na sa nakaraang blog na nananaba na ako. sobra. pinagkakamalan na nga kong buntis eh. subalit sadyang matigas ang ulo ko. mahirap makaintindi. hindi na nga magkasya halos lahat ng pantalon ko eh sige pa rin ang paglamon. nalimutan ang ibig sabihin ng salitang “hinay” pagdating sa pagakain. baliw.

pero hindi yun ang topic ng entry ko ngayon. naisip ko lang gawing intro ang patungkol sa kababuyan ko dahil…dahil… feel ko lang. wag ka nang kumontra. iba level ko ngayon.

anyway, eto na ang totoong topic. trabaho. pero wag kang mag-alala, hindi ko ikukuwento kung papaano nito ginagawang kalbaryo ang buhay ko, kung paanong nagkaka-migraine ako sa araw-araw na ginawa ng diyos, kung paanong naglaho ng parang bula ang social life kasama na ang mga pangarap kong maging presidente ng pilipinas…nge?

eto na, ikukwento ko ang mga alien dito sa opisina. oo, sila ang mga kakosa ko. ang araw araw kong kasamang nagmumuni, nambubuwiset, naaasar, nagyoyosi, nagmumura, naninigaw, umiiyak, nagta-type, nagfre-frendster, nagchachat, nag eemail, nagda-dial attttt nangangarap ng mas masaganang buhay…bow.

oo naman, hinde ako nag-iisa. hindi lang ako ang nagkaka migraine ant sumasakit ang lalamunan. marami kami. sa team namin, pito kami. pitong mga nilalang na nangangarap ng gising, kumakain ng popcorn, nagyoyosi at pumepetiks. pero masaya na rin. baket? because we’re a team! hahahahahahah! haaayyyy….

sila na marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nananatili sa mundong ginagalawan ko ngaun. mundo ng mga telepono, internet at nagmumurang kostumer. dahil alam kong pagkatapos ng shift ko ay may ka-relate ako pagdating sa mga kalokohan sa trabaho. iisa lang ang mundong ginagalawan namin eh. iisa lang ang sakit sa ulo namin. at kahit papano, napapangiti nila ako.

sila ang mga ka-team kong alien. iba kami. we’re a team…(tralalalalalala)

 

Posted by happysarah at 8:10 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment