ako ay tutula…bow
October 6, 2005matapos maging blogger ng halos dalawang taon, ngayon ko lang naisip na cool din pala kung tagalog ang gagamitin ko sa pag-susulat… sabi nga ni Kris Aquino, why not? kaso kasi, hindi ko rin lang mapipigilan maglagay ng mga salitang ingles dahil…dahil… ewan ko, feel ko lang siguro.
kapag nagsusulat ako gamit ang tagalog ay may naalala ako. oo naman, may memories din ako. naaalala ko ang happy days ko sa opisina ng puti’t bughaw. hindi ko maipaliwanag, ngunit, hindi ko mapigilang magsulat patungkol sa mga kabaliwan ko noong isa pa lamang akong estudyanteng manunulat na pilit iniintindi at ipinaglalaban ang karapatan ng mga estudyanteng louisian kahit na 90% sa kanila ay jologs ang tingin samin noon. pero sorry sila, dahil mas makabuluhan malamang ang makibaka kesya makipag-sosyalan. pero sabi nga nila, birds with the same feather flock together…why not? ano daw?
maraming itinuro sakin ang puti’t bughaw (white & blue to be exact). natuto akong matulog sa mahabang lamesa sa ofis lalo kapag galing ako sa overnights. natuto rin ako ng maraming kalaswaan at magturo nito sa mga sumusunod na henerasyon ng w&b writers. nalaman kong masarap ang mabilad sa araw at mausukan ng mga jeep habang sumisigaw ng ‘makibaka!’ natuto akong magnakaw ng mga nakakalat na bolpen, lapis at copon bond. natuto akong makipagsabayan kay papeej kahit na panglamay ng patay ang boses ko. nabuksan ang aking isipan sa mas makabuluhang mga bagay. nalaman kong ang mundo ay hindi bilog. bow.
dahil sa artikolong ito. magsusulat ako ng tagalog na blog once a month. parang newsletter. iyon ay tuwing mahihipan ako ng matinding pagka-miss sa mga baliw sa w&b.
parang gusto ko ulit mag-enrol. hindi para mag-aral ulit. kundi para makatambay ulit ako sa mundo ng puti’t bughaw.
ansaya.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







